Kaugnay ng taunang defense white paper ng Hapon, sinabi Miyerkules, Agosto 9, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministrong Panlabas ng Tsina, na nagbulag-bulagan ang nasabing white paper sa mga katotohanan at pinuna lamang ang normal na gawaing pandepensa ng Tsina pero walang anumang basahan ang mga pahayag dito.
Sinabi pa ni Geng na ikinalulungkot ng Tsina ang nasabing white paper at matinding tinututulan ang mga nilalaman nito hinggil sa Tsina. Dagdag pa niya, iniharap ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa Hapon.
Binigyang-diin ni Geng na ang mga aksyon ng Tsina sa karagatan ng Diaoyu Island at Nansha Islands ay nabibilang sa lehitimong karapatan ng isang bansa batay sa pandaigdigang batas. Aniya pa, wala itong kinalaman sa militarization at hindi rin ito nagbabanta sa seguridad na panrehiyon.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), sinabi ni Geng na sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN, nagiging matatag at mainam ang kalagayan ng SCS. Sa katatapos na pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at ASEAN, pinagtibay nila ang balangaks ng Code of Conduct in the South China Sea (COC).
Umaasa aniya siyang ititigil ng Hapon ang pakialam sa isyung ito at igagalang ang pagsisikap ng Tsina at ASEAN para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng SCS.