Nag-usap kagabi, Agotso 15, 2017 sa telepono sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa kalagayan ng Peninsula ng Korea. Ipinahayag ni Wang na ang mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng peninsula ay angkop sa komong interes ng mga may-kinalamang panig, na kinabibilangan ng Tsina at Rusya. Ipinahayag ni Wang ang pag-asang agarang ititigil ng H.Korea at Amerika ang anumang probokatibong pakikitungo sa isa't isa, para mapahupa ang kasalukuyang maigting na situwasyon sa rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Lavrov na dapat lutasin ang isyung nuklear ng Peninsula ng Korea batay sa pulitikal at diplomatikong paraan, sa halip na dahas. Nakahanda aniya ang Rusya na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagpapalitan at koordinasyon sa usaping ito.