Bangkok, Thailand-Nakipag-usap si Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.
Ipinahayag ni Punong Ministro Prayuth na nitong ilang taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, nananatiling matatag at mabunga ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Aniya, positibo ang kanyang bansa sa patakarang "Isang Tsina," at ibayong pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Aniya, suportado ng Thailand ang proyekto ng daambakal ng Thailand at Tsina, at pakikisangkot ng mga bahay-kalakal na Tsino sa pagtatatag ng economic corridor sa gawing silangan ng Thailand. Nakahanda aniya ang Thailand na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang koordinasyon at pagtutulungan, batay sa balangkas ng China-ASEAN, Lancang Cooperation, Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), at iba pa.
Ipinahayag naman ni Ministrong Panlabas Wang Yi na pinahahalagahan ng Tsina ang tradisyonal na mapagkaibigang relasyong Sino-Thai. Positibo aniya ang Tsina sa pagbibigay-suporta ng Thailand sa "Belt and Road Initiative." Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand para maisakatuparan ang ugnayan ng kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, at ibayong palawakin ang kanilang pagtutulungan, batay sa nasabing inisyatibo. Umaasa rin aniya si Wang na ibayong mapapahigpit ang koordinasyon at pagpapalitan ng dalawang panig sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.