Sa paanyaya ni Kalihim ng Ugnayang Panlabas Alan Peter Cayetano ng Pilipinas, lalahok si Ministrong Panlabas Wang Yi sa serye na pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na idaraos sa Maynila mula ika-6 hanggang ika-8 ng buwang ito.
Ito ay ipinatalastas Huwebes, Agosto 3, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Kabilang sa mga pulong na dadaluhan ni Ministro Wang ay Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Tsina (10+1), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng East Asia Summit (EAS) at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF). Lalahok din si Wang sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN.
Salin: Jade
Pulido: Rhio