Nag-usap Agosto 23, 2017 sa telepono sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika. Ipinahayag ni Yang ang pag-asang tutupdin ng Tsina at Amerika ang komong palagay na narating nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Donald Trump para pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang antas, at palakasin ang mga regular na diyalogo. Napag-usapan din nila ang pagsasagawa ng preparasyon para sa nakatakdang pagdalaw sa Tsina ni Pangulong Trump sa loob ng kasalukuyang taon.
Umaasa rin si Yang na magsisikap ang Tsina at Amerika para magkasamang pangalagaan ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, batay sa magalang na pakikitungo sa isa't isa, pagpapalawak ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at maayos na paglutas ng alitan.
Ipinahayag naman ni Tillerson na nakahanda ang Amerika na magsikap, kasama ng Tsina para sa pagpapatupad sa nasabing komong palagay ng dalawang panig, paghahanda sa kauna-unahang diyalogo ng Tsina at Amerika hinggil sa lipunan at people to people exchanges, diyalogo hinggil sa pagpapatupad sa batas at cyber security, at pagpapahigpit ng pagpapalitan sa ibat-ibang antas para ibayong pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Aniya, nananabik si Pangulong Trump sa kanyang biyahe sa Tsina, at inaasahan niyang magtatagumpay ang biyaheng ito.
Bukod dito, nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa situwasyon ng Afghanistan.