Dumating Abril 6, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Florida, para sa kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Donald Trump ng Amerika. Ito ang kauna-unahang pagtitipon ng dalawang lider.
Nauna rito, nang kapanayamin kamakailan ng China Radio International ang mga dalubhasang Amerikano, ipinalalagay nilang ang matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano ay makakatulong sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigidg. Anila, ang pinalakas na pagtutulungang pangkabuhayan ng Tsina at Amerika ay angkop sa komong interes ng dalawang bansa. Ang pagpapahigpit ng pagtutulungan ay nagsisilbing tanging paraan sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano, dagdag nila. Umaasa rin anila silang mahahanap ng dalawang bansa ang matatag na paraan, para sa pagpapasulong ng pagtutulungan.