Nag-usap sa Amerika, Pebrero 28, 2017 sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika. Ipinahayag ni Yang na nag-usap kamakailan sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump, at nagkasundo ang dalawang lider na ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano sa mas mataas na antas. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Amerika, para pahigpitin ang pagpapalitan sa ibat-ibang antas at palalimin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, batay sa prinsipyo ng paggagalangan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Samantala, umaasa aniya siyang ibayong palalawakin ng Tsina at Amerika ang koordinasyon at pagpapalitan sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at gagalang ang dalawang panig sa kani-kanilang nukleong interes at mga pagkabahala. Aniya, ito ay hindi lamang makakatulong sa pangangalaga sa matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano, kundi magdudulot din ng ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa at ibat-ibang bansa sa daigdig.
Ipinahayag naman ni Tillerson na tiniyak na ng mga katas-taasang lider ng Tsina at Amerika ang direksyong pangkaunlaran ng relasyong Sino-Amerikano. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang antas at larangan, at maayos na lutasin ang mga sensitibong isyu sa pamamagitan ng diyalogo, para ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano, kapayapaan, at kasaganaan ng daigdig.