|
||||||||
|
||
Makaraang ilahad Agosto 21, 2017, ni US President Donald Trump ang panibagong estratehiya sa Afghanistan at South Asia, nag-usap sa telepono kamakalawa, Agosto 23, sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, kung saan inulit ni Yang na nagsisikap ang panig Tsino upang mapasulong ang proseso ng mapayapang rekonsilyasyon ng Afghanistan.
Sa isang preskong idinaos Agosto 24, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa nasabing pag-uusap, tinukoy ni Yang na ang diyalogong pulitikal ang siyang tanging paraan para resolbahin ang isyu ng Afghanistan.
Dagdag pa ni Hua, nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang pakikipagsanggunian at pakikipagkoordina sa panig Amerikano sa isyu ng Afghanistan para magkasamang makapag-ambag sa pagsasakatuparan ng kapayapaan sa nasabing bansa at rehiyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |