Nanawagan kahapon, April 9, 2016, si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa Taliban na lumahok sa prosesong pangkapayapaan sa Afghanistan.
Dumalaw si Kerry sa Afghanistan at nakipagusap kay Mohammad Ashraf Ghani, Pangulo ng bansang ito. Nanawagan siya sa Taliban na isagawa ang direktang diyalogo sa pamahalaan ng Afghanistan para matapos ang digmaang sibil sa legal na paraan.
Ipinahayag naman ni Kerry na patuloy na magkakaloob ang panig Amerikano ng mga tulong sa tropang panseguridad ng Afghanistan sa mga larangang gaya ng pagsasanay, sandata at impormasyon.