Isiniwalat ngayong araw, Biyernes, ika-25 ng Agosto 2017, ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ibayo pang isusulong ng bansa ang pagbubukas sa labas, sa 12 larangang gaya ng special-purpose vehicles, new energy vehicles, pagbabangko, securities, seguro, at iba pa.
Ayon kay Wang, bago ang katapusan ng darating na Setyembre, ilalabas ng Tsina ang time table, roadmap, at mga konkretong patakaran, hinggil sa pagpapalawak ng pagbubukas sa naturang 12 larangan.
Isiniwalat din niyang, ibayo pang babawasan ang mga limitasyon sa pagpasok ng mga puhunang dayuhan sa naturang mga larangan, at bibigyan ng mga preperensyal na patakaran ang mga kompanyang dayuhang may pamumuhunan sa mga larangang ito.
Salin: Liu Kai