Ipinalabas kagabi ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Konseho ng Estado ng bansa ang mga mungkahi hinggil sa pagbuo ng bagong sistema ng pagbubukas ng kabuhayang Tsino.
Bilang dokumento sa pinakamataas na antas, inilakip dito ang mga bagong hakbangin ng Tsina hinggil sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas. Batay sa mga ito, unti-unting babawasan ng Tsina ang mga limitasyon sa market access ng puhunang dayuhan sa mga sektor ng pinansya, tele-komunikasyon, transportasyon, at iba pa.
Kaugnay nito, ipinahayag ng mga eksperto na ang pagpapalabas ng naturang dokumento ay palatandaang papasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas. Anila, dahil sa mga bagong hakbangin, bubuti pa ang kapaligiran ng pamumuhunan ng Tsina, at darami pa ang mga paborableng kondisyon para sa pamumuhunan ng mga dayuhang kompanya sa Tsina.
Salin: Liu Kai