Sa Beijing—Ipinahayag dito ngayong araw ng opisyal ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina na kasabay ng pagpapatupad ng isang serye ng mga hakbangin ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma, unti-unting lumilitaw ang bunga ng reporma ng Tsina, at may malinaw na pagtaas ang lebel ng pagbubukas sa labas.
Ginagawang pokus ng administrasyon ng kasalukuyang pamahalaang Tsino at lakas-panulak ng pagpapanatili ng katamtaman at mabilis na paglago ng kabuhayang Tsino ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma. Sa ilalim ng pagpaplano at pagsasaayos ng leading group ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, tuluy-tuloy na sumusulong ang reporma sa sistema ng administratibong pagsusuri at pag-aaproba, at magkakasunod na ipinalabas ang plano sa reporma ng mga bahay-kalakal na ari ng estado at mga pangunahing industriya. Pinapabilis din ng bansa ang pagtatatag ng bukas na bagong mekanismo ng kabuhayan.
Sa isang news briefing nang araw ring iyon, tinukoy ng opisyal ng naturang komisyon na kasabay ng pagpapatupad ng iba't ibang hakbangin, walang humpay na lumalakas ang kasiglahan ng inobasyon at pagsisimula ng negosyo ng lipunan, bumibilis ang hakbang ng pagbabago at pag-a-upgrade ng industriya, at lumalakas ang koordinasyon ng pag-unlad ng mga lunsod at nayon.
Ipinahayag pa ng opisyal ng naturang komisyon na sa harap ng bagong regular na kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan, kung nais ng Tsina na mananatili ng pangmalayuan, matatag, at malusog na pag-unlad ng kabuhayan, dapat buong tatag itong maka-asa sa reporma at pagbubukas, magsagawa ng mas positibo at kusang-loob na estratehiya ng pagbubukas, at magpasulong ng pagsasaayos ng estruktura sa pamamagitan ng repormang pang-estruktura.
Salin: Vera