|
||||||||
|
||
Macao, Tsina—Humigit kumulang 1,000 sundalo ng People's Liberation Army (PLA) Garrison sa Macao ang namobilisa Biyernes, Agosto 25, 2017 para lumahok sa disaster relief makaraang tamaan ng bagyong Hato (Isang ang tawag sa Pilipinas) ang Macao Special Administrative Region (MacaoSAR) sa dakong timog ng Tsina.
Ang mobilisasyon, unang PLA first disaster relief operation sa SAR, ay ginawa sa kahilingan ng pamahalaan ng MacaoSAR at pag-apruba ng Pamahalaang Sentral ng Tsina.
Mga sundalo ng PLA Garrison sa Macao habang nagbibigay-tulong sa relief work dahil sa kapinsalaang dulot ng bagyong Hato sa MacaoSAR, sa timog ng Tsina, Agosto 25, 2017. (Xinhua/Lo Ping Fai)
Mga boluntaryo mula sa Samahan ng Kababaihan ng Macao sa relief work dahil sa kapinsalaang dulot ng bagyong Hato sa MacaoSAR, sa timog ng Tsina, Agosto 24, 2017. (Xinhua)
Ayon sa Macao Civil Emergency Response Center, sampung tao ang nasawi at mahigit 240 ang nasugatan dahil sa malakas na bagyong Hato na tumama sa MacaoSAR nitong nagdaang Miyerkules, Agosto 23, 2017.
Bukod sa Macao, apektado rin ng nasabing bagyo ang mga lalawigan sa timog ng Tsina na kinabibilangan ng Guangdong, Guangxi, Fujian, Guizhou at Yunnan. Di kukulangin sa 16 katao ang nasawi at tatlo ang nawawala. Mahigit 68,000 hektaryang taniman ang apektado at lampas sa 12 bilyon yuan RMB o mga 2 bilyong dolyares ang direktang kapinsalaang pinansyal na dulot ng nabanggit na kapahamakan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |