|
||||||||
|
||
Tinamaan ng bagyong Megi nitong Martes at Miyerkules, Setyembre 27-28, 2016, ang mga probinsya na kinabibilangan ng Fujian, Zhejiang at Taiwan sa dakong timog ng Tsina. Ang bagyong Megi ay tinawag na Helen sa Pilipinas.
Ayon sa pinakahuling datos, apat katao ang nasawi at mahigit 260 ang nasugatan sa Taiwan. Mahigit dalawampu (20) katao ang naiulat na nawawala sa Zhejiang. Sinuspinde ng mga pamahalaang lokal ang mga paaralan. Kinansela rin ang mga flight sa mga apektadong lugar.
Ang bagyong Megi ay ika-17 bagyo na lumuhong sa dakong timog ng Tsina sa taong 2016.
Ang tag-ulan ng Tsina ay kadalasang tumatagal mula Hunyo hanggang Agosto. Sa mga probinsya sa timog ng Tsina, tatagal hanggang Setyembre maging sa Oktubre ang tag-ulan.
Kapuwa ang Tsina at Pilipinas ay apektado ng habagat. Sa kanyang klasikong A History of Asia, ginamit ni Dr. Rhoads Murphey ang terminong "Monsoon Asia," para tukuyin ang mga bansang apektado ng habagat.
Mga bombero at pulis na naglilikas ng mga apektadong mamamayan na istranded sa Ningde, Fujian Province, Sept 28, 2016. [Photo Credit: China Daily]
Mga bombero at pulis na naglilikas ng mga apektadong mamamayan na istranded sa Wenzhou city, Zhejiang province, Sept 28, 2016. [Photo Credit: China Daily]
Mga excavator ang ginamit ng mga pulis para ilikas ang mga istranded na mamamayang lokal, sa Fuzhou, Fujian Province, sa dakong timog ng Tsina, Sept 28, 2016. [Photo credit: Chinadaily/VCG]
Mga lansangan sa Fuzhou, kabisera ng Fujian Province na binaha, bunsod ng bagyong Megi. Sept 28, 2016. [Photo Credit: China Daily]
Sunset view ng Minjiang River sa Fuzhou, Fujian Province, isang araw bago dumating ang bagyong Megi. (Xinhua/Song Weiwei)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |