Ipinatalastas Biyernes, Agosto 25, 2017 sa Nay Pyi Taw, ng mga pamahalaan ng Myanmar at Biyetnam ang magkasanib na pahayag para itatag ang komprehensibong partnership, para pataasin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa sa bagong antas, at pasulungin ang kanilang mga kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Sa paanyaay ni Pangulong Htin Kyaw ng Myanmar, isinagawa ni Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), ang dalaw pang-estado sa bansang ito mula ika-24 hanggang ika-26 ng buwang ito.
Ayon sa nasabing pahayag, ibayo pang pahihigpitin ng dalawang bansa ang mga kooperasyon sa pulitika, seguridad, depensa, kabuhayan, lipunan, at kultura.
Bukod dito, inulit ng dalawang bansa na lubos na kinakatigan at isinasakatuparan ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea para pabilisin ang pagtakda at paglagda sa Code of Conduct in the South China Sea.