|
||||||||
|
||
Makaraang dumating ng Yangon, Myanmar, kahapon, Agosto 24, 2017, ang pangkagipitang medikal na materyal na panlaban sa H1N1 mula sa Tsina, ipinagkaloob agad ang mga ito sa pamahalaan ng Myanmar.
Sa seremonya ng paglilipat, ipinahayag ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, ang lubos na pakikiramay sa mga mamamayan ng Myanmar na nakakaranas ng epidemiko ng H1N1. Ipinaabot din niya ang kanyang pinakamataas na respeto sa mga tauhang medikal ng Myanmar na lumalaban sa nasabing epidemya.
Ani Hong, makaraang sumiklab ang kalagayang epidemiko ng H1N1 sa Myanmar, lubos itong sinusubaybayan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino. Pinaniniwalaang ang mga medical material ay makapagbibigay ng malakas na pagkatig at tulong sa Myanmar sa paglaban sa H1N1, dagdag pa niya.
Ayon sa estadistika ng Ministri ng Kalusugan at Palakasan ng Myanmar, hanggang Agosto 18, 2017, mahigit 280 katao na ang kumpirmadong mahawahan ng H1N1 virus, at 29 katao ang namatay dahil dito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |