Ayon sa ulat na inilabas kahapon, Biyernes, ika-25 ng Agosto 2017, ng tropang pandepensa at pamahalaan ng Myanmar, 71 katao ang napatay sa mga teroristikong pag-atake nang araw ring iyon sa Rakhine State, sa kanlurang bahagi ng bansang ito.
Ayon sa ulat, kahapon ng madaling araw, sinalakay ng mga terorista ang mga istasyon at outpost ng pulisya sa Rakhine, at nagpalitang-putok sila, kasama ng mga pulis at sundalo. 10 pulis, 1 sundalo, at 1 empleyado ng immigration office ang napatay, at 11 pulis at sundalo ang nasugatan. Sa panig naman ng mga terorista, 59 ang napatay at 1 ang nadakip.
Ang pangyayaring ito ay nakatawag ng pagkabahala ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations. Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag ni Guterres ang pinakamalakas na pagkondena sa naturang mga "armadong pag-atake."
Inulit niyang dapat paliwanagin ang pinaggagalingan ng karahasan sa Rakhine, at pahupahin ang tensyon sa pagitan ng mga lokal na etniko.
Naninirahan sa Rakhine State ang mga etnikong Rakhine na nananampalataya sa Budismo, at mga etnikong Rohingya na kabilang sa Muslim. Madalas na nagaganap ang sagupaan sa pagitan ng dalawang etniko.
Salin: Liu Kai