Ipinahayag Lunes, Agosto 28, 2017, ng U.S. Navy na lahat ng bangkay ng nawawalang tripulante ng USS John S. McCain ay natuklasan na sa loob ng barkong ito matapos itong bumangga sa isang merchant vessel sa silangang karagatan ng Singapore.
Ayon sa pahayag ng U.S. Navy, iniimbestigahan pa rin ang sanhi ng nasabing pagkabangga. Kasalukuyang nakadaong sa Navy Base Pier sa Changi, Singapore ang nasirang USS John S. McCain.
Magugunitang ito ang ikalawang tulad na pangyayari kung saan sangkot ang mga barkong pandigma ng US 7th Fleet.
Salin: Li Feng