Bangkok — Sa paanyaya ng pamahalaang Thai, dumalo nitong Sabado, Agosto 26, 2017 ang unang Chinese female astronaut na si Liu Yang, sa isang eksbisyong pansiyensiya't panteknolohiya na inihandog ng Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya ng Thailand para sa kanya.
Sa eksbisyong ito, ibinahagi ni Liu ang kanyang karanasan sa trabaho at pamumuhay sa Space Station sa mga bata at mga apisyonado ang kalawakan. Isinalaysay niya ang kinakailangang physical at mental training para maging isang astronaut. Bukod dito, hinikayat ni Liu ang mga batang Thai na magsikap para maisakatuparan ang kanilang "space dream."
Inihayag naman ng panig Thai ang kaligayahan sa pagbiyahe ni Liu sa Thailand. Umaasa itong makakapagbunsod ang mga ibinahaging karanasan ni Liu ng kamalayan sa mga batang Thai hinggil sa space technology.
Salin: Li Feng