Naitatag ngayong araw, Linggo, ika-23 ng Abril 2017, sa Xi'an, lunsod sa hilagang kanlurang Tsina, ang "Belt and Road" Aerospace Innovation Alliance.
Sa pagtataguyod ng Chinese Society of Astronautics at Northwestern Polytechnical University ng Tsina, ang naturang alyansa ay binubuo ng mga pamantasan, instituto ng pananaliksik, at organisasyong akademiko sa larangan ng kalawakan ng daigdig. Layon nitong palakasin ang pandaigdig na pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng kalawakan, pasulungin ang kooperasyon sa paghubog ng mga talento, at magkakasamang paunlarain ang pandaigdig na usaping pangkalawakan.
Sa kasalukuyan, kalahok sa alyansang ito ang 48 pamantasan, instituto ng pananaliksik, at organisasyong akademiko mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Salin: Liu Kai