|
||||||||
|
||
Mandalay, Myanmar—Sinimulan ng mga doktor na Tsino Biyernes, Agosto 25, 2017, ang libreng siruhiya para sa mga may kataratang taga-Myanmar.
Ito ay bahagi ng programang tinatawag na Mekong Brightness Action na nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Public Diplomacy Association (CPDA), China Charity Association (CCA), Aier Eye Hospital ng Tsina at mga counterpart mula sa Myanmar.
Nauna rito, humigit-kumulang 100 may kataratang taga-Myanmar ang tumanggap ng libreng operasyon sa Sitagu Shwe Pyi Hein Eye Hospital sa Yangon mula Agosto 19 hanggang Agosto 22, 2017. Sa Mandalay naman, 100 pasyenteng may katarata ang nakatakda ring operahan.
Mga doktor Tsino habang nagsasagawa ng operasyon sa mga pasyente sa Sitagu Shwe Pyi Hein Eye Hospital sa Yangon (Photo source: Chinese Embassy sa Myanmar)
Noong Marso, 2013, sa proposal ng kalahok na lider Tsino sa Unang Pulong na Pangkooperasyon ng Lancang-Mekong, inilunsad ang Mekong Brightness Action. Batay sa proyektong ito, ang mga doktor na Tsino ay magbibigay ng libreng siruhiya sa mga may katarata mula sa mga bansa sa kahabaan ng Mekong River na kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, at Vietnam.
Ang Mekong ay nagsisimula sa Tsina at tinatawag itong Lancang ng mga mamamayang lokal.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |