|
||||||||
|
||
Yangon, Myanmar—Idinaos Sabado, Agosto 5, 2017, ang seremonya ng paghahawi ng tabing ng China-Myanmar Friendship Hospital.
Ang nasabing ospital ay dating pinangalanang Daw Khin Kyi Hospital. Dahil sa kakulungan ng budget, halos tumigil ang operasyon ng ospital.
Sa magkakasamang pagtataguyod ng Pasuguan ng Tsina sa Myanmar at China Foundation for Peace and Development at Samahan ng Pagpapalitan at Pagtutulungan ng Tsina at Myanmar, ang ospital na may 84 na taong kasaysayan ay sinimulang muling itatag noong Enero, 2017 at nakatakdang matapos sa susunod na Setyembre. Idinagdag sa panibagong hospital ang mga pasilidad na gaya ng operation room, infant intensive care unit (IICU), maternity wards at inpatient building.
Mga opisyal at kinatawan ng Tsina at Myamnar sa seremonya ng paghahawi ng tabing
Mga opisyal at kinatawan ng Tsina at Myamnar habang bumibisita sa bagong ospital
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |