Sa bisperas ng pagbisita ng ministrong pandepensa ng Timog Korea sa Estados Unidos(E.U.) sa Agosto 30, 2017, idinaos kahapon, Agosto 28, 2017 ng anim na grupong di-pampamahalaan ng Timog Korea ang isang rally malapit sa embahadang Amerikano sa Seoul na nagpapahayag ng pagtutol sa pagdedeploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) missile defense system.
Napag-alamang noong isang linggo, nanawagan ang panig Amerikano sa Timog Korea na ideploy ang iba pang 4 na THAAD launcher bago magkatapusan ang buwan.
Ayon sa pahayag na ipinalabas ng nasabing 6 na grupo na binubuo ng mga activist at residenteng naninirahan sa lugar na pagtatayuan ng THAAD system, ang kagawiang ito ay para maitatag ang isang liga at anti-missle network sa pagitan ng Timog Korea, Amerika at Hapon. Nagsasagawa ang Amerika ng kanyang hegemonismo at ipinakikita ang lakas sa pamamagitan ng kapinsalaan sa Timog Korea.
Mahigpit na kinondena pa ng pahayag ang Amerika sa pagpapataw ng presyur sa Timog Korea at hiniling sa E.U. na agarang kanselin ang pagtatagpo ng mga ministrong pandepensa at kapasiyahan ng pagdedeploy.
Hinimok pa ng pahayag si Moon Jae-in, pangulo ng Timog Korea na tupdin ang pangako niya na muling pag-aralan ang isyu ng THAAD system.