Inutos, Martes, Ika-30 ng Mayo, 2017, ni Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea na imbestigahan ang lihim na pagdating ng 4 pang launcher ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) sa bansa.
Nang araw ring iyon, isiniwalat ni Yoon Young-chan, Punong Tagapagsalita ng Palasyong Pampanguluhan ng Timog Korea, na bukod sa inilagay na 2 THAAD launcher, may 4 pang launcher na lihim na dumating ng Timog Korea, at ikinagulat ito ni Pangulong Moon Jae-in. Hiniling ni Moon na makipag-usap kay Han Min-koo, Ministro ng Tanggulang Bansa ng T.Korea para alamin ang mga detalya nito.
Ayon sa ulat ng media ng Timog Korea, inihatid ang nasabing 4 na THAAD launcher sa T.Korea bago ang halalang pampanguluhan.
salin:Lele