Ipinatalastas ngayong araw, Agosto 30, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ika-9 na pulong ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) ay idaraos sa Xiamen ng Lalawigang Fujian, Tsina, mula ika-3 hanggang ika-5 ng darating na Setyembre.
Ang tema ng nasabing pulong ay "Pagpapalalim ng Partnership ng mga bansang BRICS at Pagpapasulong ng Mas Magandang Kinabukasan."
Sa panahong ng pulong na ito, idaraos din ang diyalogo sa oagitan ng mga bagong sibol na bansang nagsasagawa ng market economy at mga umuunlad na bansa.