Nitong Lunes, Oktubre 24, 2016, dumating ng Xiamen ang mga saging mula sa Pilipinas na may bigat na 40 tonelada. Pagkaraang ideklara ng panig Tsino ang pagpapahintulot muli ng pagluluwas ng mga kaukulang bahay-kalakal ng Pilipinas sa mga saging at pinya sa Tsina, ito ang unang batch na inangkat ng Xiamen mula sa Pilipinas.
Ayon kay Ginoong Chen, importer ng nasabing mga saging, malakas ang pangangailangan ng pamilihang Tsino. Aniya, ang nasabing kapasiyahan ng panig Tsino ay isang malaking paborableng impormasyon para sa mga export enterprises ng Pilipinas. Para sa mga Chinese importers naman, mas marami na ngayong foreign suppliers ang pagpipilian, dagdag niya.
Salin: Li Feng