Ipinahayag Sabado, Setyembre 2, 2017 ni Li Yong, Pangkalahatang Direktor ng United Nations Industrial Development Organization (UNIDO), na sa darating na sampung taon, ang mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) ay magkakaroon ng mas maraming pagkakataon sa magkasamang pag-unlad kaysa sa mga kakaharaping hamon.
Sinabi pa niyang dapat pahigpitin ng naturang limang bansa ang pagtutulungan, pagbubukas, pagbabahaginan at pag-aaral para rito.
Noong nakaraang 10 taon, gumanap ng malaking papel ang mga bansang BRICS sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Ang ratio ng GDP ng BRICS sa daigdig ay tumaas sa 23% mula 12%, aniya pa.
Sinabi pa ni Li na malaki ang espasyo ng kooperasyon ng mga bansang BRICS sa hinaharap, lalo na sa komersyo, negosyo at pamumuhunan.
Bukod dito, nakahanda aniya ang UNIDO na pasulungin, kasama ng mga bansang BRICS, ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig para pasulungin ang inobasyon sa teknolohiya at pag-unlad ng industriya ng mga bansang BRICS.