|
||||||||
|
||
Sinabi Biyernes, Setyembre 1, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bubuksan Setyembre 2, sa Xiamen, probinsyang Fujian ng Tsina, ang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) Summit. Aniya, pagkaraan ng sampung (10) taong pag-unlad, nagsisilbing masusing puwersa ang mga bansang BRICS sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, pagpapasulong ng reporma sa kaayusang pandaigdig, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagang pandaigdig. Sa kasalukuyang taon ay pumasok ang BRICS Cooperation sa ikalawang dekada, at ito ay magiging isang mahalagang yugto.
Ipinahayag pa ni Hua na sa kasalukuyang masalimuot na kalagayang pandaigdig, bilang kinatawan ng mga bagong-sibol na pamilihan at mga umuunlad na bansa, may responsibilidad at kakayahan ang mga bansang BRICS na nagpapatingkad ng positibo at konstruktibong papel sa pagharap sa iba't-ibang hamong pandaigdig. Aniya, bilang kasalukuyang bansang tagapangulo ng BRICS, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng ibang mga kasapi nito, upang mapasulong at mapalakas pa ang BRICS Cooperation.
Dagdag pa niya, pinaniniwalang sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng iba't-ibang panig, tiyak na matatamo ng BRICS Summit sa Xiamen ang kasiya-siyang tagumpay at mapapataas ang nasabing kooperasyon sa mas mataas na lebel.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |