Sinabi ngayong araw, Huwebes, ika-31 ng Agosto 2017, sa Beijing ng mga opisyal ng Ministri ng Pinansya at Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na sa Ika-9 na Summit ng mga Bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) sa Xiamen, may pag-asang matamo ang bunga sa aspekto ng kooperasyong pinansyal.
Sinabi ng mga opisyal, na ang kooperasyong pinansyal ay mahalagang bahagi ng mekanismo ng BRICS. Anila, sa kasalukuyang summit, may pag-asang makamtan ang positibong resulta sa aspekto ng kooperasyong pinansyal, na gaya ng pagkokoordina sa mga patakaran ng makro-ekonomiya, pagpapalalim ng kooperasyon sa ilalim ng G20, pagsasaoperasyon ng BRICS New Development Bank, at iba pa.
Iminungkahi rin nilang pabilisin ng mga bansang BRICS ang pagpapatupad ng roadmap ng kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan; ibayo pang papababain ang taripa sa isa't isa; at pag-aaralan ang posibilidad sa pagtatatag ng BRICS Free Trade Area. Ang mga ito anila, ay makakabuti sa pag-unlad ng mga bansang BRICS, at sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai