Kaugnay ng pagsubok-nuklear ng Hilagang Korea ngayong araw, Setyembre 3, 2017, ipinahayag ng Pamahalaang Tsino ang matinding pagkondena at matatag na pagtutol.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Tsina, hinihimok ng Tsina ang Hilagang Korea na aktuwal na sundin ang mga may kinalamang resolusyon ng UN Security Council (UNSC) at itigil ang anumang aksyong nagpapaigting ng tensyon sa Korean Peninsula.
Inulit ng pamahalaang Tsino ang mga paninindigan sa komprehensibong pagsasakatuparan ng mga resolusyon ng UNSC at matatag na pagpapasulong sa pag-aalis ng lahat ng mga sandatang nuklear mula sa Korean Peninsula para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.