Para mapasulong ang konektibidad ng Laos at Tsina, ipinahayag kamakailan ni Bounchan Sinthavong, Ministro ng Pampublikong Proyekto at Transportasyon ng Laos na magbibigay-ginhawa ang pamahalaang Laotian sa pagtatatag ng daambakal sa pagitan ng dalawang bansa.
Winika niya ito nang maglakbay-suri siya sa nasabing proyekto.
Ayon sa ulat, ang daambakal ng Tsina at Laos ay may habang 400 kilometro, mula Mohan (Tsina)--Boten (Laos), daungan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa tungo sa Vientiane, kabisera ng Laos.
Nakatakda itong matapos sa 2021, at gagamitin dito ang mga teknolohiya at kasangkapan mula sa Tsina.