Nilagdaan Miyerkules, Setyembre 6, 2017 sa Hanoi ng Zhejiang University of Technology ng Tsina at Association of Vietnam Universities and Colleges (AVUC), ang kasunduan ng kooperasyon sa kurso ng Master of Business Administration (MBA) at bachelor program.
Ang Hanoi University of Business and Technology (HUBT) ay ang unang kolehiyo ng Biyetnam na piniling lumahok sa nasabing proyekto.
Ayon sa kasunduan, ang mga kurso ng MBA ay ituturo sa wikang Tsino at ang digri nito ay kikilalanin ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina. Ang bachelor program ay kinabibilangan ng dalawang yugto: sa unang tatlong taon ng kolehiyo, mag-aaral ang mga estudyante sa Biyetnam; at sa huling taon, mag-aaral sila sa Zhejiang University of Technology ng Tsina.
Ipinahaayg ni Pham Chi Cuong, Pangalawang Direktor ng International Cooperation Department ng Ministri ng Edukasyon at Pagsasanay ng Biyetnam, na sa kasalukuyan, mahigit 10,000 estudyanteng Biyetnames ang nag-aaral sa Tsina, kaya ang kooperasyon sa pagitan ng mga kolehiyo ng dalawang bansa ay ibayo pang magpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig sa edukasyon at pagsasanay.