Binuksan Huwebes, Setyembre 7, 2017, ang dalawang araw na East Asia Marine Cooperation Platform Huangdao Forum, sa Qingdao, baybaying-lunsod sa dakong silangan ng Tsina.
Ang forum na may temang Gateway to the World ay nilahukan ng mga 500 kinatawan mula sa 36 na bansa't rehiyon na kinabibilangan sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon at Timog Korea.
Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng International Monetary Fund (IMF) noong Hulyo, 2017, ang Gross Domestic Product (GDP) ng Silangang Asya ay katumbas ng 28% ng Gross Domestic Product (GDP) ng daigdig. Mainam ang kabuhayang pandagat sa Silangang Asya: humigit-kumulang 40% ng pandaigdig na kalakalang pandagat ay dumaraan sa rehiyong ito; apat na pangunahing bansa ng paggawa ng bapor sa daigdig na kinabibilangan ng Tsina, Hapon, Pilipinas at Timog Korea ay matatagpuan sa rehiyon; at ang output na pangingisda sa rehiyon ay katumbas ng halos 70% ng produksyong pandaigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac