Ipinahayag ngayong araw ni Chen Lianzeng, Pangalawang Direktor ng State Oceanic Administration ng Tsina, na gagawing plataporma ng ika-12 China ASEAN Expo o CAExpo na idaraos sa Guangxi, Nanning ng Tsina sa taong ito, at pasusulungin ang mga proyeko ng kooperasyong pandagat sa ASEAN, batay sa mungkahi ng "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road Initiative".
Isiniwalat ni Chen na sa taong ito, patuloy na patatagin ng kanyang kawanihan ang partnership ng kooperasyong pandagat sa mga kapitbansa, at isasagawa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng sistema ng obserbasyon sa dagat at klima, at pagpapalabas ng babala sa kalamidad sa dagat.
Salin: Vera