|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Sabado, Setyembre 9, 2017, ni Ali Akabar Salehi, Pangalawang Pangulo ng Iran, na kung tatalikod ang Amerika sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran, sakaling igigiit ng mga ibang bansang gaya ng Britaniya, Pransya, Alemanya, Tsina, at Rusya, ang kasunduang ito, patuloy na tutupdin ng Iran ang kasunduan.
Ipinahayag din niya na layon ng pagpataw ng Amerika ng sangsyon laban sa Iran na palalain ang kapaligirang komersyal ng bansa at hadlangan ang pagsasagawa ng mga malalaking bahay-kalakal at bangko ng pakikipagkooperasyon sa Iran.
Makaraang maupo sa puwesto si US President Donald Trump, walang humpay siyang nagpapataw ng presyur sa Iran. Inilabas din niya ang mga karagdagang sangsyon laban sa Iran.
Noong Agosto 15, 2017, ipinahayag ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran na kung ipagpapatuloy ng Amerika ang ipinapataw na sangsyon sa Iran, posibleng tatalikod ang kanyang bansa sa nasabing kasunduan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |