Ipinahayag kahapon, Martes, Agosto 1, 2017, ni Ali Larijani, Ispiker ng Parliamento ng Iran, na bilang tugon sa mga bagong sangsyon ng Amerika laban sa kanyang bansa, iniharap ng Iran ang reklamo sa Joint Commission na nagmo-monitor sa pagpapatupad ng Joint Comprehensive Plan of Action sa programang nuklear ng Iran.
Sinabi ni Larijani, na ang pagpataw ng Amerika ng sangsyon laban sa Iran ay labag sa naturang Joint Comprehensive Plan of Action, at ibibigay din ng Iran ang diplomatikong presyur sa Amerika.
Dagdag pa ni Larijani, ang naturang aksyon ng Amerika ay malinaw na tangka upang pigilin ang patuloy na pagpapatupad ng Joint Comprehensive Plan of Action.
Salin: Liu Kai