|
||||||||
|
||
Guangxi, Tsina--Pinasinayaan Linggo, Setyembre 10, 2017, ang Dream of Angkor Wat Photography Exhibit sa Art Museum ng Guangxi Arts Publishing House Co. Ltd, Nanning, kabisera ng Guangxi, rehiyong awtonomo sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Nakatanghal sa 20-araw na eksibit ang mga larawan hinggil sa Angkor Wat, kilalang pambansang pamana ng Cambodia na kinunan ni Chen Lvsheng, Pangalawang Direktor ng Pambansang Museo ng Tsina (NMC).
Ipinahayag ni Chen ang pag-asang sa pamamagitan ng nasabing pagtatanghal, matatamasa ng mga panauhing Tsino at dayuhan ang kabigha-bighaning Angkor Wat at malalaman ang katuturan ng pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Nakatakdang idaos Setyembre 12-15, 2017 ang Ika-14 na China-ASEAN Expo (CAEXPO) sa Nanning. Inanyayahan din ni Chen ang mga kalahok sa nabanggit na ekspo na dumalaw sa eksibit kung kanilang mamarapatin.
Si Chen Lvsheng (dulong kaliwa), Pangalawang Direktor ng Pambansang Museo ng Tsina, kasama ng mga panauhin, sa pasinaya ng eksibisyong Dream of Angkor Wat. Larawang kinunan Setyembre 10, 2017. (Zhai Qianqian, CRI)
Pagtatanghal ng Dream of Angkor Wat. Larawang kinunan Setyembre 10, 2017. (Zhai Qianqian, CRI)
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |