Ipinahayag kamakailan ni Ong Ka Chuan, Pangalawang Ministro ng Pandaigdig na Kalakalan at Industriya ng Malaysia, na nakatakdang lagdaan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina ang Kasunduan ng Malayang Kalakalan (FTA), sa Oktubre, 2017.
Nauna nang itinakdang pirmahan ang nasabing kasunduan sa katapusan ng 2016, pero, dahil sa mga isyung panteknolohiya, ipinagpaliban ang paglalagda.
Ayon sa datos ng Hong Kong Trade Development Council (HKTDC), ang ASEAN ay ikalawang pinakamalaking trade partner at ika-apat na pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng HK.
Salin: Jade
Pulido: Rhio