Sa panahon ng pagdalaw sa Thailand, ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-4 ng Agosto, 2017, ni Carrie Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina, na sa katapusan ng taong ito, lalagda sa Free Trade Agreement (FTA) ang Hong Kong at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon kay Lam, sinimulan noong 2014 ang talastasan ng Hong Kong at ASEAN hinggil sa FTA, at matatapos ito sa katapusan ng taong ito, para lumagda sa kasunduan ang dalawang panig.
Sa pananatili sa Thailand, nakipagtagpo rin si Lam sa mga lider, mataas na opisyal, at kinatawan ng mga bahay-kalakal ng bansang ito, para talakayin ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Hong Kong at Thailand.
Nauna rito, dumalaw naman si Lam sa Singapore. Ito ang kanyang unang pagdalaw sa ibang bansa, sapul nang manungkulan bilang Punong Ehekutibo ng HKSAR.
Salin: Liu Kai