Sabado, ika-16 ng Setyembre, 2017, binuksan sa Yangon, Myanmar ang Ika-14 na World Chinese Entrepreneurs Convention. Nagpadala ng liham na pambati sa pulong si Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC.
Tinukoy ni Yu na ang mga mangangalakal na Tsino sa iba't ibang sulok ng mundo ay mahalagang puwersa ng pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang bansa. Sila din ang tulay ng pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng kanilang bansang panirahan at Tsina.
Binigyang-diin din ni Yu Zhensheng na sa kasalukuyan, ang konstruksyon ng "Belt and Road" ay nagdulot ng bagong kasiglahan para sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Nagkaloob din aniya ito ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng usapin ng mga overseas at ethnic Chinese sa buong mundo. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng mga mangangalakal na Tsino ang pagkakataon, para isakatuparan ang mas malaking pag-unlad ng sariling usapin, sa proseso ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at ibigay ang bagong ambag para sa pagpapahigpit ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at ibang bansa.
Salin: Vera