|
||||||||
|
||
Panama City, kabisera ng Republika ng Panama—Idinaos dito Linggo, Setyembre 17, 2017 ang seremonya ng paghahawi ng tabing ng Pasuguan ng Tsina sa Panama. Sa ngalan ng dalawang bansa, magkasamang lumahok sa nasabing seremonya sina Pangulong Juan Carlos Varela ng Panama at dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.
Sina Pangulong Juan Carlos Varela (kaliwa) ng Panama at Ministrong Panlabas Wang Yi (kanan) ng Tsina sa seremonya ng paghahawi ng tabing ng Pasuguan ng Tsina sa Panama (photo credit: Xinhua)
Noong Hunyo 13, 2017, pormal na itinatag ng Tsina at Panama ang relasyong diplomatiko.
Ipinahayag ni Pangulong Varela ang kanyang kasiyahan at tiwala sa optimistikong prospek ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Panama. Naniniwala aniya siyang magdudulot ito ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Ministrong Panlabas Wang ang kahandaan ng Tsina na magsikap, kasama ng panig ng Panama para maisakatuparan ang komong kasaganaan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |