Idinaos kamakalawa, Setyembre 16, 2017 sa Yangon ang seremonya ng paglalagda ng dokumento upang maitayo ang Koatko Special Economic Zone ng Mynamar. Ito ang itinaguyod ng China Federation of Overseas Chinese Entrepreneurs.
Ang nasabing economic zone ay matatagpuan sa probinsyang Karyin sa katimugan ng Myanmar, kahangga ng Thailand. Dumararaan sa nasabing itatayong SEZ ang Trans-Asian Raiway.
Umaabot sa 180 libong haktarya ang kabuuang economic zone at tinatayang ilalaan ang 15 bilyong dolyares para rito. Ayon sa plano, mayroon itong mga rehiyon para sa siyensiya at teknolohiya, turismo, kultura, kalakalan, ekolohikal na agrikultura, paliparan at iba pa.
Ang nasabing proyekto ay inilaan ng Yatai International Holding Group, isang kompanyang may punong himpilan sa Bangkok.