Setyembre 19, 2017—Nag-usap sina Li Keqiang, Premyer ng Tsina at Lee Hsien Loong, dumadalaw na Punong Ministro ng Singapore sa Beijing.
Binigyan-diin ni Li na dapat ipauna ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang preperensyal na aspekto ng diplomasya. Umaasa aniya ang Tsina na gaganap ang Singapore ng konstruktibong papel para sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, at kooperasyon ng Silangang Asya.
Ipinahayag naman ni Lee na mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Singapore at Tsina, at maalwan ang progreso ng 3 proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng mga pamahalaan. Nakahanda aniya ang pasulungin ng Singapore, kasama ng Tsina ang pagsasagawa ng proyekto ng konektibidad ng dalawang bansa, talastasan sa pag-a-upgrade ng kasunduan ng malayang kalakalan ng dalawang bansa, at pagsasangunian ng komprehensibong panrehiyong partnership sa kabuhayan ng dalawang panig.
Salin:lele