Sa magkasanib na preskong idinaos kahapon, Lunes, ika-21 ng Agosto 2017, sa Singapore, ipinatalastas nina Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore at Punong Ministro Binali Yildirim ng Turkey, na inaprobahan na ng pamahalaan ng Singapore at parliamento ng Turkey ang kasunduan sa malayang kalakalan ng dalawang bansa, na nilagdaan noong 2015. Anila, magkakabisa ang kasunduang ito sa unang araw ng darating na Oktubre ng taong ito.
Ayon sa kasunduan, pagkaraan itong magkabisa, babawasan o babale-walain ng Turkey ang taripa ng 80% ng mga paninda mula sa Singapore. At sa taong 2027, aabot sa 95% ang proporsiyong ito. Samantala, agaran ding aalisin ng Singapore ang taripa sa lahat ng mga panindang aangkatin mula sa Turkey.
Salin: Liu Kai