Nakipagtagpo Miyerkules, Setyembre 21, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay dumadalaw na Punong Ministrong Lee Hsien Loong ng Singapore.
Ipinahayag ni Xi na magkakapareho ang mga palagay at paninindigan ng Tsina at Singapore sa aspektong globalisasyon ng kabuhayan, liberalisasyon ng kalakalan, pagpapasimple ng pamumuhunan at may malawakang komong palagay. Kaya, dapat palakasin ng dalawang panig ang pagkokoordina sa estratehiyang pangkaunlaran, lubos na patingkarin ang papel ng mga mekanismong tulad ng Singapore-China Joint Council for Bilateral Cooperation (JCBC), para walang humpay na palawakin at palalimin ang kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Lee na buong tatag na iginigiit ng kanyang bansa ang patakarang isang Tsina, at tinututulan ang pagsasarili ng Taiwan. Umaasa aniya siyang makikitang maging mas matatag at masagana ang Tsina at magpapatingkad ng mas malaking papel sa mga suliraning pandaigdig. Bukod dito, kinakatigan ng Singapore ang "One Belt and One Road Intitive" at ang pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank(AIIB) na makapag-bibigay ng tulong sa kaunlaran ng rehiyon at buong daigdig.