BEIJING, Hulyo 10, 2017—Ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbati sa Iraq dahil sa pagkakapalaya nito sa Mosul.
Ayon sa ulat ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Iraq, noong ika-9 ng Hulyo, dumating si Haider al-Abadi, PM ng Iraq sa pinalayang Mosul bilang pagbati sa tagumpay ng mga mamamyang Iraqi sa paglaban sa terorismo.
Sinabi ni Geng na ito ay hindi lamang tagumpay ng Iraq, kundi tagumpay ng kooperaysong pandaigdig sa paglaban sa terorismo. Lagi aniyang kumakatig ang Tsina sa pangangalaga sa katatagan ng bansa at pagpapasulong sa rekonstruksyon ng kabuhayan.
salin:lele