|
||||||||
|
||
Shanghai, Tsina — Ipinahayag nitong Biyernes, Setyembre 29, 2017, ni Carlos Dominguez, Kalihim ng Pinansiya ng Pilipinas, na sapul nang iharap ng Tsina ang "Belt and Road" Initiative, lumalalim nang lumalalim ang relaysong Pilipino-Sino.
Sa isang pagtitipon ng paglalahad ng kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas na inihandog ang araw ring iyon ng panig Pilipino, ipinakita nito sa mga mamumuhunang Tsino ang mga pagkakataong komersyal sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Finance Secretary Dominguez na sa mula't mula pa'y kinakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng imprastruktura ng Pilipinas. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, pinaunlad ng Pilipinas at Tsina ang maraming bilateral na mekanismo, bagay na mabisang nakakapagpasulong ng pagtatatag ng matibay at mahigpit na relasyong pangkooperasyon. Nakikinabang ang kabuhayang Pilipino sa maraming pamumuhunang dala ng mga bahay-kalakal ng Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |