Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Usec Nora Terrado: Patuloy ang pag-unlad ng Kalakalang Pilipino-Sino

(GMT+08:00) 2017-09-13 15:43:11       CRI

Si Usec. Nora Terrado (dulong kanan) habang
umiikot sa Philippine Pavilion sa CAExpo, kasama si Vice Chairman Liu Jun ng
CPPCC Guangxi (dulong kaliwa)

Pormal na nagbukas kahapon ang Ika 14 na China-ASEAN Expo (CAExpo) sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.

Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino, sinabi ni Undersecretary Nora Terrado ng Department of Trade and Industry (DTI) at puno ng delegasyong Pilipino, "Ang pagbukas ng kalakalan ay isang mahalagang bagay upang sa Pilipinas ay mapalakas natin ang ating ekonomiya. (Sa pamamagitan ng CAExpo) magkakaroon ng mas malusog na pakikipag ugnayan sa China gayun din sa ibang mga bansang ASEAN sa trade, people to people relationship. It goes beyond the economic elements ng ating pakikipag ugnayan sa Tsina."

Nakipagtagpo rin si Usec. Terrado sa mga opisyal ng Guangxi aniya malakas ang pagtitiwalaan ng dalawang panig, maganda ang naging pag-uusap at karugtong ito ng huling pag-uusap.Dagdag niya " talagang nagkakaroon ng progreso ang ating mga negosasyon sa mga business to business opportunities. Ganun din sa pagpasok nila. sa Pilipinas upang magkaroon sila ng presensiya sa ating merkado sa Pilipinas."

Isinusulong din sa Ika 14 na CAExpo ang konektibidad. Naniniwala si Usec. Terrado na ito ay kinakailangan sa kalakalan. Naisakatuparan na ngayong taon ang rutang pandagat na may roll-on, roll-off shipping line mula sa Davao tungong General Santos City hanggang Indonesia. Ang ugnayang ito ng mga programang pangkaunlaran ng Pilipinas at ASEAN, paliwanag ni Usec. Terrado ay kaangkop ng mga hangarin ng Belt and Road Initiative ng Tsina, "Pag ito ay naging mas regular at ito ay naging mas malakas, ang kasunod nito ay ang pag-uugnay ng rutang ito sa mga bansang Brunei, Indonesia, Malaysia, Pilipinas - East Asia Growth Area (BIMP-EAGA). Ang pinakamalapit na maritime road na pwedeng i-ugnay dito ay ang probinsya ng Guangxi. Yan ay malapit sa Pilipinas. Ito ang magsisismula ng totoong realization ng Maritime Silk Road.At ito ay tuloy tuloy sa ibang bansa beyond China at beyond ASEAN."

Kung titingnan ang mga pigura sa kasalukuyan di hamak na mas malaki ang halaga ng mga inaangkat na produkto ng Pilipinas mula sa Tsina. Nasa US $16 bilyon ang halaga ng imports ng bansa mula sa Tsina. Sa pamamagitan ng platapormang tulad ng CAExpo ay may pag-asang lumaki ang export ng produktong Pinoy sa Tsina at itaas ang halaga na kasalukuyan ay nasa US $ 6 bilyon lamang.

Karamihan sa mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa Tsina ay mga prduktong agrikultural gaya ng saging, mangga, pinya at isdang tuna.Bukod dito ani Usec. Terrado pwede ding palakasin ang export ng mga electronics na complimentary sa mga gawang China. Mga produkto na kasama sa global supply chain ng China.

May 42 exporters mula sa Pilipinas ang lumalahok sa Ika 14 na CAExpo. Pahayag ni Usec. Terrado, karamihan sa 42 exhibitors ay sumali sa Philippine pavilion para magkaroon ng karanasan, matuto at ma-expose sa international market.

Bilang pagtatapos mensahe ni Usec. Terrado sa mga Pilipino na nasa Tsina na ikasiya ang progreso at pag unlad na nakamit ng Pilipinas nitong nakalipas na ilang taon. Aniya pa, "Ang Pilipinas ay nasa breakout point at napakita natin sa buong mundo na kaya nating gawin. So dapat maging confident tayo at sa pamamagitan ng bayanihan ay dapat nating ipahiwatig sa buong mundo ang positibong imahe ng Pilipinas, dapat tayong magtulungan. Sa Bisaya ang tawag namin ay " ayo-ayo lang" ibig sabihin positive things lang, magsisimula yan sa isip at diwa na maging confident tayo na kaya natin ito."

Inanyayahan din niya ang mga OFW na magbalik-bayan para maging negosyante at magbigay ng trabaho sa Pilipinas o kaya maging entrepreneur na makaka-ambag sa pagpapalaki ng ekonomiya ng bansa.

Ulat : Mac Ramos

Larawan : Vera

Web Editor: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>