|
||||||||
|
||
Great Hall of the People, Beijing — Sa bisperas ng Ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China (PRC), kinatagpo Sabado, Setyembre 30, 2017, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang 40 dayuhang diplomatang nagsimula ng kanilang tungkulin sa Tsina nitong isang taong nakalipas.
Lubos na pinapurihan ni premyer Li ang mga natamong bagong progreso ng bilateral na relasyon at pagtutulungan ng Tsina at iba't-ibang bansa. Ipinaabot niya ang taos-pusong pangungumusta at mainam na pagbati sa mga lider at mamamayan ng kani-kanilang bansa.
Ipinahayag din ni Li na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa iba't-ibang bansa. Igigiit aniya ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa upang magkakasamang harapin ang mga kahirapan at hamon at mapasulong ang pangmatagalang kapayapaan, komong kasaganaan, at sustenableng pag-unlad ng rehiyon at buong daigdig, dagdag pa niya.
Ipinaabot naman ng mga dayuhang diplomata ang pagbati mula sa kani-kanilang lider at mga mamamayan sa Pambansang Araw ng Tsina. Ipinahayag nila na kapansin-pansin ang natamong tagumpay ng Tsina. Ito anila ay nakakapagpatingkad ng mahalagang papel para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig, at pagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |