Beijing — Idinaos kagabi, Setyembre 30, 2017, sa Great Hall of the People ng Konseho ng Estado ng Tsina ang National Day reception bilang maringal na pagbati sa ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China (PRC). Dumalo rito ang mga lider ng partido at bansa na tulad nina Xi Jinping, Li Keqiang, Zhang Dejiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan, at Zhang Gaoli, at mahigit 1,200 personaheng Tsino at dayuhan.
Sa kanyang mensahe sa resepsyon, sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Konseho ng Estado, ipinahayag muna ni Premyer Li Keqiang ang pagbati sa mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad ng bansa. Ipinahayag niya ang pangungumusta sa mga kababayan ng Hong Kong, Macao, Taiwan, at mga overseas at ethnic Chinese. Ipinahayag din niya ang taos-pusong pasasalamat sa mga dayuhang kaibigan na binibigyan ng pagpapahalaga at pagkatig ang konstruksyon ng modernisasyon ng Tsina.
Sinabi ng premyer Tsino na nitong 68 taong nakalipas, sa pamumuno ng CPC, magkakasamang nagpupunyagi ang mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad ng bansa, at natamo nila ang maluningning na tagumpay sa usapin ng pag-unlad ng bansa.
Salin: Li Feng